alam mo yung..
— parang di mo na kilala yung isang kaibigan mo?
kahit naman di kami masyadong close noon eh parang iba na sya ngayon, out of reach na. andaming pinagbago. well, there’s no permanent nga naman. pero iba talaga sya eh. ibang-iba. :|
sino ka bang talaga?— saka yung feeling na ang layo-layo mo na sya “kanya”..
yung tipong parang konti nalang di ko na sya makikilala.
parang may barrier lang. bahala na.— tapos isa pa..yung..
‘err. okay. ganto sya. ganyan sila. andito lang kami. baka makalimutan nyo.’
ewan ko kung bakit naaalibadbaran ako sa kanila. sa ganun. inggit? selos? o ano pa man, di ko matukoy kung bakit ko talaga nararamdaman yun. nakakainis. nakakainis. wala naman sana akong paki kung ano pinaggagawa nila pero ewan. naiintindihan ko naman pero, affected pa rin? ugh! cut it out!nakaka-miss. nakaka-miss.
oh kaibigan ko
nasaan kayo?
humihinga pa ba kayo
ng hanging nalalanghap ko?
o sadyang nag-iba na ang mundo nyo?hahaha impromtu poem?? napagawa pa talaga no! echosera lang!
eniwey, laking pasasalamat ko na rin sa kanila kasi nakakadama ako ng ganto, such a lesson huh. natututo ako dahil sa pinaparamdam nila sa kin. iilan lang sila. ilan lang sila.
—dahil sa mga kaibigan ko lalo akong natutong magtampo sa kanila (sa mga kaibigan). nasaktan, dahil sa samahan namin. mas nava-value ko sila at natutukoy ko kung sino yung mga totoo at masasandalan.siguro mahal ko lang talaga sila kaya ko nararamdaman to. naiinis na ako sa kanya at sa sarili ko. o sadyang di ko matanggap ang sitwasyon na ewan?
uuggghhh!!
>.<
x|
-
inengoinday reblogged this from inengbuliling
-
inengbuliling posted this




